
ANG OBRA
“Ang nakaraan ay salamin ng bukas.”
Sa bawat kumpas ng oras at paglipas ng panahon, tangan ng bawat Pilipino ang kwento at ningas ng pusong umaawit ng pagkakakilanlan at pag-alala. Bawat salita, tinta ng pluma, hakbang, at aksyon ay tala ng nakaraan na siyang bakas at aral para sa kasalukuyan.
Inihahandog ng mga magigiting na kapnaying nagsisikap ng hinaharap mula sa ChE 1302 ang “Obra”. Isang pahinaryang naglalaman ng samu’t saring obra na walang kadudadudang nilikha nang may matinding pagkasabik sa pagbunyag ng natatagong kagalingan at pagkamalikhain ng mga kabataan; habang isinasaisip at puso ang kinabukusang hangad ni Gat. Jose Rizal.
Halina’t maglayag sa bawat tugma at salaysay ng pag-ibig, poot, takot, kamalayan, tagumpay, at pag-asa ng nakaraang sumasalamin sa kasalukuyan.
Atin ng buksan ang bakas para sa bukas!