top of page

Gabay

Pilit hinahagilap sa madilim na silid,
ang lampara na mayroong natatanging ningning.
Nais sindihan upang lumiwanag ang paligid.
Ang makakita ang tanging hinihiling.

​

Ang kamangmanga'y tila ba kadiliman;
walang makita, walang patutunguhan.
Ang paghahangad ng liwanag ay hindi naman mahirap.
Naisin ang karunungan at ito'y mahahagilap

​

Kapag ang lampara ay nasumpungan na,
unti-unting imulat ang mga mata.
Pagmasdan upang makita,
edukasyon ang magliligtas sa bayang aba.

​

Palaging hangarin na kaalama'y makamtan,
bilang mag-aaral dapat ay manindigan.
Katulad ni Rizal, gawing lampara sa kadiliman;
kaalama'y magsilbing liwanag, gabay sa katuwiran.

​

-Maya

bottom of page