top of page
Hala, Martsa!
Sapul sa hinulmang sintido,
sinukat na landas ko.
Malabo ang maligaw.
Abot sa paningin, pagpanaw.
​
Animo'y tuwid at mabuti,
ngalan lamang ang tapat.
Kalkulado ang kalsadang tinatahak;
sa likod, kutsilyo ay nakatarak.
​
Lamig na iniisip,
ano’t ‘di ka umiihip.
Himas sa bakal na nauulit,
tanikala, tinta, braso at pader ay magkadikit.
​
Kaaway ko'y ikaw,
isip na umaalingawngaw.
Tatakas pagbilang ng tatlo,
paalam bilangguan ko. Fuego!
​
-Sirang Mateo
bottom of page