top of page

Handog

Pagmulat ng mga mata'y napatingin sa salamin;
napatingin sa repleksiyon ng aking sarili.
Ito nga ba ang handog na kanyang mithiin?
Akin ba’ng taglay ang katangiang sa kanya'y nakakubli?

​

Tulad ng pusong handang mag-alay para kanyang bayan,
pagbigay ng dugo't pawis para sa pinaglalaban.
Basta't para sa kapwa'y serbisyo at pagbabago ang handog,
nakatatak sa isipan, bukas ng lahi kong Tagalog.

​

Ito ang kaniyang handog na ipinamana ng nakaraan;
turang sumasalamin sa ating katauhan at kasalukuyan.
Repleksyong makabayan, pinapakitang walang maliw;
tunay na paglilingkod para sa bayan kong giliw.

​

-Malaya

bottom of page