Lucha y Pilipino
I
Tulad lang din ako ng iba na may sariling nais at pangarap.
Pangarap na wakasan ang pang-aalipin at pagpapahirap.
Musmos na bata pa lamang ay namulat na ako sa ganito.
Aking mga mata ay saksi sa bawat latay at pang-aabuso.
Karapata'y ‘pinagdamot at nagdusa sa sariling lupain;
hustisya't nakagapos na kalayaan sa atin ay nakapain.
​
II
Nagaral, naglakbay,
Talino at karunungan ang tanging magiging sandata.
Tila papel ang aking takbuhan at boses ko'y tinta ng pluma.
Nanaig na aking pagmamahal Kay Patria na Inang Bayan.
Nilapastangan, niyurakan, ang dignidad ng ating kalayaan.
Mahinahong lumaban at tahimik na sumulat, na nagsimula;
simula ng pagbabago at paghihimagsik mula sa mga kastila.
​
III
Ako ay naging bihag at bilanggo sa rehas ng dayuhan.
Dahil nobelang layo'y mamulat sa mapait na kasalukuyan.
Titindig at lalaban, para sa kababayan, sa kalayaan.
Alam kong matatamasa ng susunod na kabataan.
Mamamatay at lilisan ng mayroong mahalagang kabuluhan,
na tanging alaala ng tagumpay at sariling yaman.
​
-Babaylan