top of page

Pantig ng Dila, Tugon ng Diwa

I

Ilikha mo ako ng mabuting kaisipang isisiwalat ang rurok ng kasarinlan;
isang gasera sa dilim, tagapamahayag ng pithaya at karunungan.
Gambalai't gisingin ang nasyonalismong nakalibing.
Ang lumang tanikala’y huwag kinisin, iyo itong lagutin.

​

II

Ituring na pamana at hindi hiram na ideolohiya.
Makapangyarihan pa sa tabak ang pinagyamang pluma.

Ang kalayaa'y isang alamat, isang antigong pahina ng nagningas na himagsikan
Ligaya ngang tunay, na ialay ang buhay sa lupang sinilangan.

​

-Isdang Bola

bottom of page