top of page
Piling Supling
I
Sumungaw ang matamis na ngiti sa labi ng pantas.
Sa wakas, ang bagwis nitong pagbabago ay pumapagaspas.
Isang tanglaw sa dilim at bitbit ang sapat na bilang ng pag-asa.
Mula bukang liwayway hanggang takipsilim, palagi ko kayong inaalala.
​
II
Sa bawat alon sa inyong mga palad,
panalangin ko’y tangayin nila ang kirot at lamig sa inyong mga tuhod.
Sa misyong nakaukit na sa ating kasaysayan,
palagi kong babaunin ang inyong pamana.
At mananatiling aplikante ng inyong karunungan
​
-Ibarra X MariaClara
bottom of page