top of page
taha(na)n
Nang ang liwanag ng gasera’y pumusyaw,
tuyot na sistema ay umalingasaw.
Tinig ng panitik ay umalingawngaw.
Umaasang pagbabago na’ng matanaw.
​
Inalis ang piring, pilit nagpumiglas;
Isinantabi ang labanang marahas.
Kakaibang tapang ang ipinamalas;
Pag-ibig kay Patria ang naging lakas.
​
Nagpapaka-Rizal ba’ng maituturan?
Boses sa napipi nang ‘pinaglalaban.
Sa kalyeng tila nagbubulag-bulagan,
marka ng paghakbang, bigyang katuturan.
​
Prinsipyong parehas, daang binabagtas;
ngayong tila may kalsong hindi makalas,
karapatan ng masa ang ‘tinataas.
Nagsilbing lakas, boses ng Pilipinas.
​
Si Pepe ay ako, panulat ang tangan.
Ako si Pepe, payapang lumalaban.
Reporma’y panyo sa luha ng tahanan.
S’yang inilaban, tahan na aming bayan.
​
- Diwa
bottom of page