top of page

/ˈnôrməl/

Dahas, Literatura, Dugo, at Pera
Yan ba ang normal, sa panahon ng gyera?
Ano ba’ng basehan ‘pag sinabing normal?
Ang lalabas ba rito’y si Jose Rizal?

Si Rizal ba ay banal, para sambahin?
Isang henyong nagligtas, sa mga alipin.
Isang lamparang, umiilaw sa dilim.
Ano kayang kaiba ni Rizal sa’kin?

Sa imaheng anghel, na nakikibaka;
sa likod ng bayani, ay kaluluwa.
Normal na tao, pamula noong una.
Dugong dumadaloy, naghihimagsik na.

-Prinsipe

bottom of page